| Welga ng mga Kababaihan sa
Buong Mundo
Sa tulong ng Kampanya para sa
Pandaigdigang Suweldo sa mga Gawaing Bahay Ika- 26 ng Hunyo, 2005 Mga Kapatid, Pang-Anim
na Welga ng mga Kababaihan sa Buong Mundo , Ika-8 ng Marso 2005 Bawat Araw ng Mga Kababaihan sa Buong Daigdig mula ng taong 2000, ang mga kababaihan sa mahigit animnapong bansa ay nagsagawa ng ibat ibang uri ng hakbang mula sa mg taong nagsisikilos mula sa baba manawagan sa lahat na maglaan sa pag-aalaga at hindi sa pagpatay, na ang perang binubusabos sa digmaan ay ilaan para sa pangangailangan ng mga mamayan. Ang samahan ng Welga ay lumawak at tumibay sa loob ng limang taon mula noong unang Welga, lalo na sa mga bansang nasa bandang Hilaga ng Mundo, at ang mga kababaihan pati na rin ang paparaming bilang ng mga kalalakihan, ay sama-samang gumagawa ng hakbang taun-taon. Batid natin kung paanong ang sama-samang pakikibaka laban sa katarungan kasama ang ating mga kapatid sa ibat ibang panig ng mundo ang siyang nagpatibay sa ating lahat. Ang pagtuligsa sa digmaan at pagbibigay katapusan sa kahirapan ay laging magkasama. Ang nakaraang mapanirang "tsunami" ay kumitil ng buhay ng mahigit dalawang daang libong katao, ngunit araw-araw libu-libo ang namamatay dahil sa kawalan ng sapat na makakain, sakit, pag-taas ng temperatura ng mundo, at digmaan – mga sakunang dulot ng mga tiwaling gawain ng mga tao sa ngalan ng pera at merkado. Ang gobyerno kasama ang mga naglalakihang korporasyon ay maraming sinasabi tungkol sa pagtaas ng temperatura ng hangin, tungkol sa kahirapan, ngunit wala silang nababanggit tungkol sa perang maari sana nilang ibigay sa atin. Ang magkakambal na kahirapan at digmaan ay parehong kapaki-pakinabang sa kanila kung kaya’t wala silang planong tapusin ng kahit alin man sa dalawa. Tayo-tayo lamang, mga kababaihan, mga tagapag-alaga ang patuloy na nagsisikap para itaguyod ang pang-araw-araw na kabuhayan, tayo na gumagawa ng mga mabibigat na trabaho, ang siyang makakabago sa takbo ng ating pamumuhay. Ang Welga ay isang mahalagang daan para maisakatuparan ito. Hindi tayo humihingi ng limos. Ang ating ipinaglalaben ay karapatan sa lahat ng ating g. Hangad natin ang Maginhawang Kabuhayan mula sa Lahat ng Ating Gawain. At karapatan nating magkaroon ng kaukolang bayad o suweldo, babae man o lalake, ano man ang edad, lahi o relihiyon, kung magtatrabaho para kumita. Hangad nating magkaroon ng Kaukolang Suweldo sa Pandaigdigang Merkado. Ito ang isa sa mga programa ng Welga para tuldokan ang kahirapan at tapusin ang diskriminasyon tungkol sa kasarian at lahi. Hangarin lagi ng Welga ang pagbuklod-buklodin ang mga kababaihan (at kalalakihan) sa ibat-ibang kadahilanan. Ito’y nagsisimula sa ating mga manggagawang hindi nabibigyan ng pansin: mga ina at iba pang tagapag-alaga; mga aktibista ng mga manggagawa at mahihirap; mga magsasaka; mga may kapansanan na patuloy na ipinaglalaban ang kanilang karapatan, kapakanan, at seguridad; mga batang nagtatrabaho; mga nagbebenta ng aliw; mga bilanggo pati na rin ang mga nakalaya na; mga sundalong ayaw nang magtrabaho sa militar; mga mag-aaral; mga biktima ng pang-aabuso at silang patuloy na ipinaglalaban ang hustisya; mga naninilbihang bulontaryo sa komunidad at marami pang iba; ano man ang ating kasarian, lahi, bansang pinanggalingan, pananampalataya, edad, oryentasyong sekswal… Ang paghahangad ng pandaigdigan at nauukol na bayad o suweldo sa lahat ng ating pagsisikap, ang magbibigay sa lahat ng mga manggagawa, mga sumusuweldo man o hindi, ng mas madaming pagkakataon para mapansin at maramdaman nila ang ating ambag at lakas. Pandaigdigang Koordinasyon sa: Argentina, Guyana, India, Ireland, Peru, Spain, Trinidad & Tobago, Uganda, USA; mga bansang nakilahok sa animnapu’t limang bansa sa kasalukoyan. Ang suporta at partisipasyon ng mga kalalakihan mula sa ibat-ibang panig ng mundo sa tulong ng Payday, ang samahan ng mga kalalakihang mula sa ibat-ibang lahi. Hindi lang sila sumuporta sa mga ginagawang hakbang ng Welga, kundi nag-organisa rin sila kasama ang mga babae at lalakeng umaayaw sa mapang-abuso at di makatarungang gawain ng militar sa ibat-ibang bansa, mula Amerika at Britanya hanggang sa Israel at Eritrea. Ang sadyang paghikayat sa mahihirp – silang mga napilitang sumali sa Sandatahang Amerikano dulot ng kahirapan, karamihan ay galing sa lahing itim at dayuhan – sa kanila umaasa ang bansang Amerika para magsagawa ng digmaan. Kung kaya’t silang mga umaayaw na sa militar, ang silang may mahalagang papel sa hakbanging tapusin hindi lamang ang digmaan kundi pati na rin ang kahirapan. Ang Rebolosyong Bolibaria sa bansang Venezuela at ang pag-ayaw sa rebolosyong Amerika-Pransiya sa Haiti ang mahahalagang basehan o batayan ng Welga. Ang dalawang rebulosyong nabanggit ay parehong pinangunahan ng mga kababaihan, pero madalas di ito tanggap ng iba. Ilulunsad ng Welga ang kanyang pangatlong pelikula tungkol sa bansang Venezuela* - ang di karaniwang karanasan na magpapakita o magpapatunay na ang ating mga pinaglalaban at hinahangad ay maari nating makamit at mapagtagumpayan, at ito ang gusto nating mangyari, tayong kumikilos mula sa baba . Ang Payday ay maglulunsad din ng pelikula Refusing to Kill tungkol ito sa mga kababaihan at kalalakihang umaayaw sa pagpapahirap, pang-aabuso at ang patayang nangyayari sa militar. (E-mail: payday@paydaynet.org web www.refusingtokill.net) Marami sa atin ang nagulat dahil si Bush kasama ang kanyang mga kinikilalang mamatay tao ang silang magpapatakbo o magmamay-ari sa mga naglalakihang makinarya sa militar sa buong daigdig sa susunod na apat na taon. Sinabi ni Joe Hill, isang kilalang manggagawang mandirigma, nung siya’y inakusahan ng mga Amerikanong pulis ng kasong pagpatay at hinatulan ng parusang kamatayan, "Huwag Malungkot. Magkaisa!" Lakas para sa mga kapatid para pigilan ang mundo at baguhin ito! Selma James Welga ng Mga Kababaihan sa Buong Mundo (Pandaigdigang Koordinasyon) *Ang dalawang naunang pelikula (Venezuela – a 21st Century Revolution and Bolivarian Revolution: Enter the Oil Workers!) ay isinalin sa salitang Espanol at Ingles, at parehong nasa VHS at DVD. Tawagan ang Welga para sa karagdagang kaalaman. PANDAIGDIGANG KOORDINASYON: ENGLAND: Global Women’s Strike and
Women of Color in the Global Women’s Strike |